Ay Batugan!

January 21, 2009

Sa susunod na buwan ay magdadalawang taon na ako sa tinutuluyan kong kumpanya. Actually hindi naman literal na pumapasok ako sa opisina namin araw-araw, lunes hanggang viernes, dahil naka-base naman ako malayo sa head office namin sa Makati. Kung iisipin, hindi naman dapat ako mapapagod at mawawalan ng ganang “pumasok” dahil nasa Cebu lang ako at ang boss ko naman ay naandun sa “kabisera.” Ahaha. Kabisera. Gumagamit pa ba tayo ng salitang “kabisera?”

Pinipilit kong intindihin kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Di porque na magtu-two years na ako ay mag-aasal batugan na ako.  Marami dapat akong gawin pero panay surf ko na ngayon sa internet. Laging bukas ang facebook ko, ang multiply account ko at ang wordpress blog ko. Lagi na akong on-line sa Yahoo Messenger at sa Skype. Halos lahat ng oras ko’y nagugugol na sa harap ng computer. Adik na nga ako. Ni wala na nga akong time para matulog.

Feeling ko iniiwasan ko lang ang mga kailangan kong gawin sa work. Naguguluhan na nga ako. Minsan tuloy, naiisip ko na ang work ay isa lamang distraction sa mga gusto kong gawin. Dati, gustung-gusto kong magtrabaho. Pero ngayon, sa tindi na ng proseso at sa klase ng ugali ng mga nakakasalamuha ko sa trabaho, tila nagsisipaglayas na ang mga butil ng enthusiasm sa katawan ko. Madugo na kasi ang mga pinapagawa sa akin ng boss ko. Di ko rin siya masisisi. Ika nga, trabaho lang at walang personalan. Pero ako, namemersonal na. Pano kasi, kahit weekend, binubulabog nya ako. Kesyo ganito kesyo ganyan, dapat gawin ito at ganyan. Nagtitext pa kahit gabi, kahit lingo, kahit tulog na ako. Hay.

Mas gugustuhin ko na lang gumala sa kung saan-saan. Masaya kasi yun. Wala kang ibang iisipin kundi ang magpakasaya. Iba rin naman kasi ang feeling kung magfa-file ka lang ng vacation leave or sick leave kasi mag-iisip ka pa kung ano ang gagawin mong dahilan kung bakit ka magli-leave. Mag-iisip ka pa kung nagamit mo na ang mga dahilan na iyon sa mga nauna mo nang nai-file. Baka kasi isipin ng mga taga-HR na lagi na lang ako may LBM or diarrhea or lagi na lang not feeling well ang palusot di ba? Pwede naman din kasing i-arrange na lang ang trabaho na maisabay sa pagbabakasyon. Kaya lang kung minsan, nawawalan ka nang ganang magtrabaho dahil mas excited ka nang maglamyerda sa beach or kung saan mang sulok ng Pinas gusto mong puntahan.

Aynaku. Two weeks pa lang ang lumipas pero parang tingin ko ay mag-e-end na ang 2009. Adik. Hindi pa nga nag-chinese new year eh.  Ano ba? Ayaw na atang gumana ng mga brain cells ko. Gusto na ata nila magresign at magretire na sa pag-iisip ng mga diskarte sa trabaho. Mukhang nasanay na rin ang utak ko na pa easy-easy lang. Hay, ano kaya kung i-shutdown ko na lang ang career ko?

Alam ko naman na marami akong frustrations sa style ng pamamalakad (ay seryoso) ng kumpanyang pinapasukan ko. Hindi pa kasi tiyak kung ano ang magiging direction namin ngayon taon sa sales and distribution ng mga produkto namin. Alam ko naman na ang general goal is to increase sales and the market share. Di ko lang feel magwork ngayon. Nakakatamad kasi. Malamig din ng konti ang climate kaya mas maigi na lang siguro magtigil sa loob ng bahay, humigop ng mainit na sabaw ng tinolang manok at magdamag na mag-iinternet.

Sarap siguro ng buhay na ganun noh?. Kaso lang, magugutom ako pag di ako magsipag. Hindi naman kasi ako mayaman. Proletariat lang ako. College graduate na balbas sarado at balbon sa kamay, sa dibdib at tiyan. Kailangan kong kumayod para makapagyaya sa mga family and friends na kumain sa mga magagandang restaurant at pagkatapos hingin ang resibo for reimbursement. Kailangan ko magwork para makalibre ng gasolina at makapagbiyahe kung saan-saan na naka-wheels. I need the job para maka-punta-punta sa mga lugar at magside-trip sa mga tourist spots.

Sayang din kasi ang miles. Napapadalas ang lipad ko kung saan-saan. Feeling ko, ako ang frequent flyer sa Cebu Pacific.  Halos alam ko na ang flight assignment ng crush kong FA na si Carlo. Sa pagiging adik ko sa pagbabiyahe, mukhang napapaligaya ko si Ace Durano. Turing ko tuloy sa sarili ko ay isa akong “working tourist” na papunta-punta sa mga airport, magbayad ng terminal fee at saka likumin at itago para isama sa expense report. Perks nga naman yun because of the nature of my job di ba?

Kaso tinatamad ako. Sa ngayon, gusto ko lang mag-upload ng mag-upload ng mga picture sa multiply at facebook. Sulat ko kaya sa Facebook status ko ang Addie is a lazy sloth. Hahaha. sloth na nga eh, lazy pa. 

Kung lilipas man ang feeling na ito, well and good. I could pick myself up at mag-revert to work mode na ako next week, next month or next time. Wish ko rin naman na phase lang ito. And of course, hope ko rin naman na maglalaho rin ang pagiging nega ko about my job. Pero di ko lang maitago ito ngayon. Trip kong magpaka-batugan muna.

Ang style ko muna ngayon is to put myself in the bandolino shoes of a jobless man and imagine my life like an istambay. Ang hirap siguro nun. But for sure, kung unemployed ako, di ko na maafford ang mag-internet ng open time. At paano na lang ang blog ko di ba? So good luck na lang sa akin.

Entry Filed under: L'Histoire de Ma Vie, Leanings and Learnings, Merck and Me, On the Job, Ouverte un Tableau. .

1 Comment Add your own

  • 1. Apo Aguila  |  January 22, 2009 at 4:20 am

    good luck talga sa atin! hahahaha

    Reply

Leave a Comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


 

January 2009
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Poste Récente

Les Premières Postes

c

Archives

Recent Comments

abdullah cusain on Rounding Cotabato
thecapricornbeartake… on Ma Vie
aneka rodriguez on Ma Vie
eam on High School Life Oh my HS Life…
thecapricornbeartake… on Au Revoir ma Grand Père

matériel roulant

Blog Stats

Les Photos

Mumbaki

The MASK meets Mumbaki

Takeshi, Mae, Giselle

A Wedding in Boracay

More Photos