Missy, Hilo Ako sa Field Trip
Tanghali na. Nagmamadali akong kumain sa isang karinderia na katapat lang ng tinutuluyan kong hotel.
Tanghali na nang lumapag sa Lumbia Airport ang bombardier na eroplano. Sumilip ako sa labas. Maaraw sa Cagayan de Oro City.
Sa paglabas ko’y sinalubong ako ng mga payong na orange. Nakakagutom ang kulay. Hindi ako sumukob. Go lang ako ng go sa ilalim ng init ng araw. Nagmamadaling naglakad papunta sa arrival area.
Pagkapulot ng chinek-in na bag, agad-agad akong lumabas ng airport, naghaggle, tumawad sa isang taxi operator at agarang umupo sa isang itim na Toyota Altis. Sosyal. Parang hindi taxi tignan.
“Saan po tayo sir?” tanong ng chauffeur.
“Sa sosyal na hotel po sa may Cogon Public Market,” sabi ko. Pero ang tsuper, nag-alanganin sa sasabihin. Tuloy-tuloy lang siyang nag-hands on the wheel-eyes on the long winding downhill road.
Pagkalagpas namin sa Carmen Hill, nagtanong si manong driver sweet lover. “Sa Maxandrea hotel po ba kayo mag chi-check-in po?”
“Hindi naman. Super Sosyal naman. Sa tapat lang” sagot ko.
Ayun, naghanap ng shortcut si manong driver. 12 o’clock na kasi. Medyo traffic sa Divisoria. Iniwasan ang Golden Friendship Park. Tila alam na niya kung ano ang tinutukoy kong sosyal na hotel.
Binaba niya ako sa tapat ng Maxandrea. Inabot ko ang bayad, sabay hingi sa resibong ipapare-imburse ko sa company. Ang chauffeur, nag-antay ng dagdag. Deadma lang ako.
Medyo nagtumbling na ang mundo ko sa gutom kaya pagka-iwan ng mga gamit sa Room 528, lumabas ako sa sosyal hotel at naghanap na makakainan.
Ayun. Sa tapat lang pala ng hotel ako napadpad. Simple lang. Pork giniling, kanin, softdrink at leche. Leche flan galore. Solve na ang lunch.
Pagka busog, need ko nang magpunta sa client. May konting oras pa. Nagtext and dealer ko na male-late siya ng slight, may appointment sa dentista. Nagdecide akong dumaan sa Limketkai.
Malapit lang ang mall sa sosyal na hotel ko. Mayaman ako. Kaya pumara ako ng PUJ sa kanto. I hailed it at sumakay, kahit di ko sure kung saan ang route ng multicab. Carry lang, na parang 101% sure ako sa sarili na sa Limketkai ang final destination ng dyip.
Wow mali.
Akalain ko ba na sa pier pala ang punta ng dyip. Umikot pa sa Macabalan wharf at na-ipit sa trapik malapit sa Agora public market. Dios-me.
Di ko na nga inintindi ang init, ang baho, ang alikabok. Instant tour ang nangyari. Mura lang ang trip. P 7.50 lang. Andami ko pang napuntahan. Bitbit ko nga ang digicam pero wala ako sa mood magphoto-shoot. Nasaan na ba ako? Nasaan na ba ang Limketkai?
After 48 years and 24 months, naaninag ko na ang LKK. Pagkaapak ko sa complex, 60 years old na po ako. Inilabas ko ang panyo at pinunasan ko ang dust-powdered visage ko. Ang kapal ng layer ng make-up. Ang panyo ko nagcolor-gray. Ayun, bumaba ng 32 years ang age ko. Pati timbang ko, nabawasan ng slight.
Sabi ko sa sarili ko, maghanap muna ako ng coffee shop na merong wi-fi.
Unang napansin, McDo. Deadma. Tumawid. Dumaan sa harap ng bread shop. Naglakad habang tinitignan ang loob ng boulangerie. May logo ng free internet. Tumuloy sa paglakad, napa-isip. Wait, sabi ko to myself. Nag 180 degrees. Plus 360. Nahilo ako.
Pero bumalik sa yapak. Lumapit sa breadshop.
Bumukas ang pinto ng boulangerie. Isang mamang nakamaskara ang sumalubong sa akin. Nasindak ako. Nasa Bacolod ba ako? Sa October pa ang Masskara ah. Nagmigrate ba sa CDO? Staff pala siya ng Missy Bon Bon.
Missy Bon Bon. Ganda ng name. Parang Ricky Martin song. Nag-explore ako sa lugar. Para siyang un petit café a la campagne na may halong BreadTalk at Sans Rival ng Dumaguete.
Maganda ang dominant white motif ng Missy Bon Bon. From the curved white wooden frames in front, to the tables and chairs and to the lanterns and ceiling fans.
Feel ko tuloy, napakadalisay ko. Pure na pure ang dating. Perfect for an afternoon tea and sympathy. Hindi pa rin nagtext and dealer ko. Go lang ng go ang immersion ko sa Missy Bon Bon. Forget agad ang field trip kanina sa Agora at Macabalan.
Ayun nag-observe ako.
May cartoonish na mural sa gilid. Sky’s the langit ang effect ng bubong. Made of glass kasi. Andaming nakadisplay na bread. Merong Cobblestones, merong Pork Adobo Roll, Sweet Potato Roll at kung anik-anik pa. Sorry. Wala na ako pics nun. Ito na lang.
Nagliligpit at naglilinis ng table ang isang staff. Bongga. Naka-maskara. Phantom of the Opera is that you?
Tinanong ko siya. “May problema ba ang iyong mukha?”
Di nakasagot ang staff na naka-maskara.
Di pala yun ang tinanong ko. I asked her kung bagong bukas ba ang shop. Sabi niya 4 months old pa si Missy you like crazy shake your Bon Bon.
Ah OK. A fresh new spot here at LKK. May connection with the Bigby’s group of restos. Very wholesome and very white. Dalisay tignan.
At dahil diyan, may nag-text. Dealer ko pala. Nagparamdam. Tapos na raw ang tooth-filling operation nya. Nasa office na siya. Pwede na raw kami mag-meeting.
Go na lang ako ng go. Missy Bon Bon, see you next time.











No trackbacks yet.